Saudi, muling magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Filipino workers –PBBM

Saudi, muling magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Filipino workers –PBBM

MABUBUKSAN ang mas maraming oportunidad sa bansang Saudi Arabia para sa mga manggagawang Pilipino ayon kay President Ferdinand Marcos Jr.

Sa naganap na pag-uusap nito kasama si Saudi Arabia Crown Prince Mohammed Bin Salman, naging bukas si Pangulong Marcos sa usapin patungkol sa pagpapadala ng Filipino workers sa Saudi Arabia.

Maliban dito, napag-usapan din ng dalawa ang patungkol sa posibilidad ng pagsusuplay ng Saudi sa Pilipinas ng langis at fertilizers.

Sa huli, hindi rin nakalimutang ianunsyo ni Pangulong Marcos na nangako ang pamahalaan ng Saudi Arabia na babayaran nito ang lahat ng manggagawang hindi pa nababayaran ang sahod mula sa mga construction companies na nabangkarote noong 2015 at 2016.

 

Follow SMNI News on Twitter