BINUKSAN na ni Filipino Chess Legend Eugene Torre sa publiko ang kaniyang Chess Museum sa lungsod ng Marikina.
Ang nasabing museo ay ang kauna-unahang Chess Museum sa bansa.
Makikita sa naturang museo ang mga memorabilia ni Torre gaya ng mga tropeo, medalya, mga larawan at iba pa.
Si Torre ang kauna-unahang grandmaster ng Asya at isa ring ‘World Chess Hall of Famer’.
Ayon sa 71-anyos na chess legend, binuksan nito nang libre ang museum para magbigay ng inspirasyon sa mga batang chess player na nais sumunod sa kaniyang yapak.