Marikina River, 100 meters na ang lapad dahil sa dredging

Marikina River, 100 meters na ang lapad dahil sa dredging

MASAYANG ibinalita ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na lumapad at mas lumalim na ngayon ang kanilang ilog.

Sa isang panayam, giit ni Mayor Teodoro na nasa 100 meters na ngayon ang lapad at 21.5 meters na ang lalim ng Marikina River.

Bunga ito ng kanilang araw-araw na dredging operations sa lugar.

Para makatipid, bumili ng sariling dredging machines ang Marikina City Government para araw-araw ang pagpapalalim nila sa ilog.

Kaya, may sarili na silang amphibious dredger, long arm backhoe at iba pang gamit.

Dahil sa dredging, maiiwasan na ang mga pagbaha sa siyudad sa tuwing may mga malalakas na bagyo at pag-ulan.

‘’Tandaan natin dala ito ng siltation eh. Yung banlik o putik na nanggagaling sa upstream area bumaba doon sa downstream ganon ang nangyayari. Kaya ang dredging ay tuloy-tuloy na activity hindi pupwedeng one-time lang, o isang pagkakataon lang magde-dredge,’’ ani Mayor Teodoro.

Follow SMNI NEWS in Instagram