Chess wiz Nika Juris Nicolas, isa sa chess prospect ng bansa

Chess wiz Nika Juris Nicolas, isa sa chess prospect ng bansa

MALAKING tiyansa para kay chess wiz Nika Juris Nicolas na maging pambato ng bansa sa larong chess.

Ito’y matapos igawad sa kaniya ng National Chess Federation of the Philippines bilang kauna-unahang babaeng national master.

Si Nika ay isang 10-taong gulang at kauna-unahang babaeng chess player na nakatanggap ng naturang parangal kung saan kadalasan ay ibinibigay ito sa mga lalaking chess player.

Nakatakdang sumabak sa ASEAN Age Group Chess Championships sa Thailand si Juris sa Thailand sa Hunyo 17-21.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter