Chief of staff ni dating SP Enrile, nakalabas na ng kulungan

Chief of staff ni dating SP Enrile, nakalabas na ng kulungan

NAKALAYA na kagabi ang dating chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Jessica Lucila Reyes o mas kilala sa tawag na Gigi Reyes.

Ito ay makaraang kinatigan ng Supreme Court 1st Division ang inihaing petition for habeas corpus ni Reyes.

Bukod sa pagpapalaya ay nakasaad din sa desisyon ng Korte Suprema na kailangan dumalo si Reyes sa pagdinig sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya at magsumite quarterly ng periodic report sa Clerk of Court ng Sandiganbayan.

Kailangan din niyang humingi ng permiso sa Sandiganbayan kapag may plano siyang mangibang bansa, at magreport nang personal kapag nakabalik na siya ng bansa.

Obligado rin na magreport ni Reyes kada 3 buwan sa Clerk of Court ng Supreme Court kaugnay sa ginawa niyang pagtupad sa kautusan ng Korte Suprema.

Iginiit ni Reyes sa kanyang petition na nalabag ang kanyang karapatan sa speedy trial o ng Section 14, Art III ng Saligang Batas kaya ang kanyang pagkakapiit sa Female Dormitory ng Taguig City Jail nuong July 9, 2014 ay iligal at paglabag sa due process.

Follow SMNI NEWS in Twitter