HANDANG makipag-ayos ang bansang China sa Pilipinas kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Nais buhayin ng China government ang ‘joint committee meeting’ sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at Philippine Coast Guard (PCG) na inumpisahan sa Duterte administration.
Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, walang konkretong napagkasunduan ang China at Pilipinas noon.
Matatandaan na taong 2017 nang nag-usap ang dalawang bansa upang palakasin ang maritime cooperation laban sa drug trafficking, search and rescue operation, environment protection at emergency response.
Samantala, una namang tiniyak ng Chinese Embassy sa Maynila na magpapatuloy ang ugnayan ng Pilipinas at China.