WALANG dapat ipangamba ang China sa idinagdag na EDCA sites sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi rin naman niya pahihintulutan na magamit ang EDCA sites para sa anumang offensive action na gagawin ng Estados Unidos.
Muling binigyang-diin ni Pangulong Marcos na para lang talaga ang mga ito sa pagtulong ng Estados Unidos sa bansa lalong-lalo na kung may kalamidad.
Kung wala ring susugod ay hindi lalaban ang Pilipinas.