POSIBLENG panahon na para palitan na ng bansa ang prime commodity nito ayon kay Atty. Harry Roque.
Kasunod ito sa nakaambang pagtaas ng presyo ng bigas sa limang piso sa susunod na mga araw.
Suhestiyon nito, palitan na lang ang bigas ng mais o kamote.
Paliwanag ni Atty. Roque dito, wala talagang sapat na mapagkukunan ng tubig para sa irigasyon ang Pilipinas gaya ng Mekong River sa Southeast Asia.
Binabagtas ng Mekong River ang China, Myanmar, Laos, Thailand, Cambodia at Vietnam.
Ang Cagayan River na siyang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ani Atty. Roque, hindi sapat para gamitin sa irigasyon.
Sinasabing ang dahilan ng pagtaas sa presyo ng bigas ay ang mainit na panahon at ang pagkakaroon ng El Niño sa susunod na mga buwan.
