HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang mga negosyante sa industriya ng nickel processing at e-vehicles na mamuhunan sa Pilipinas.
Ito’y lalo na sa industriya ng pagmimina at manufacturing ng baterya at kagamitan para sa pagbuo ng e-vehicles.
Nitong Enero 5, dumalo si Pangulong Marcos sa isang roundtable meeting kasama ang Chinese businessmen.
Kaugnay dito, inihayag din ng Punong-Ehekutibo ang suporta ng Pilipinas sa paggamit ng green technology.