Chinese Navy ship nasa Pilipinas para sa isang ‘goodwill visit’

Chinese Navy ship nasa Pilipinas para sa isang ‘goodwill visit’

NASA Pilipinas ngayon ang training ship ng Chinese Navy.

Sa malayuan ay parang cruise ship pero habang papalapit sa pantalan, hindi pala.

Ang barkong dumaong sa Maynila ay ang Chinese Navy Training Ship ‘Qi Jiguang.’

Banda ng ating Navy ang sumalubong sa barko.

Sinabayan din ng dragon dance at pagbati ng mga Chinese.

Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang sumalubong sa barko.

Bahagi ng pagpapaigting ng Philippine-China relations ang pagdaong ng barko sa bansa.

Tatagal ito hanggang sa Sabado.

Ayon sa Chinese Embassy, magkakaroon ng friendship games ang Chinese Navy at Philippine Navy habang nandito ang barko.

Gaya ng basketball at iba pang mga laro.

Galing ng Thailand, Vietnam at Brunei ang barko bago pumunta ng Pilipinas.

Marahil mamasamain ng iba ang pagdaong ng barko ng China sa Pilipinas.

Sa gitna na rin ng agawan natin sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Pero ayon kay Ambassador Huang, walang ibang hangad ang China kundi ang makipagkaibigan.

“It’s a goodwill visit,” saad ni H.E. Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines.

Mananatili namang bukas sa publiko ang barko ng China hanggang sa weekend.

Libre itong mabibisita ng lahat basta’t sumunod lamang sa mga panuntunan nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter