Chinese President Xi, dumating na sa Thailand para sa APEC Summit

Chinese President Xi, dumating na sa Thailand para sa APEC Summit

DUMATING na ang Presidente ng China sa Thailand para dumalo sa APEC Summit.

Si Chinese President Xi at ang kanyang maybahay na si Peng Liyuan ay binati ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha at iba pang Thai officials maging Chinese officials na nasa Thailand.

Matatandaan na ang China ang pinakamalaking trading partner ng Thailand.

Ito rin ang pinakamalaking export market para sa agricultural products at malaking source ng foreign investment ng Thailand.

Ngayong taon naman ipinagdiriwang ng Thailand at China ang ika-47 anibersaryo ng China-Thailand diplomatic ties at ika-10 taon na anibersaryo ng China-Thailand Comprehensive Strategic Cooperative Partnership.

Follow SMNI NEWS in Twitter