Chot Reyes, pinabulaanan ang akusasyon ni Cambodian basketball head coach Savaya

Chot Reyes, pinabulaanan ang akusasyon ni Cambodian basketball head coach Savaya

PINABULAANAN ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, ang inihayag ni Cambodia head coach Harry Savaya na kaniyang sinisi ang mga players sa Men’s Basketball Preliminary competition sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games.

Mababatid na natalo ang Gilas Pilipinas kontra Cambodia sa score na 79-68 sa Group Phase.

Ani Savaya, madami aniyang reklamo si Reyes at isinisi nito sa panahon maging sa kaniyang mga player ang kanilang pagkatalo.

Dahil dito, nag-offer si Savaya na turuan si Reyes tungkol sa paraan ng coaching ng Europa at sa iba pang lugar na hindi nito narating.

Sagot naman ni Reyes, katotohanan lamang ang kaniyang sinabi dahil hindi aniya maganda na maglalaro ang isang high-level na basketball sa isang substandard na lugar.

Ang tinukoy ni Reyes dito ay ang paggamit ng linoleum sa Cambodia SEA Games, dahil madulas ito na maaaring maging sanhi ng disgrasya sa mga manlalaro.

Nabanggit din nito ang komento ng naturalized player na si Justin Brownlee na nakaka-suffocate ang lugar.

Gayunpaman, nakapag-adjust naman ang Philippine National Team dahilan para makuha ang target na gold medal sa SEA Games 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter