Christmas photo ng ilang Filipino celebrities sa pagdiriwang ng pasko, kasama ang kanilang pamilya

KASAMA ang kani-kanilang mga pamilya sa Christmas photo ng ilang Filipino celebrities sa pagdiriwang ng pasko.

Sa tuwing sasapit ang kapaskuhan hindi mawawala ang pagsasama-sama ng pamilyang Pilipino at siyempre hindi rin mawawala ang nakagawiang family pictorial upang mas maging merry at meaningful ang pagdiriwang ng pasko.

Kilig ang handog na family photo ng pamilya Dantes na kinabibilangan ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Kumpleto din ang family of vloggers nina Daddy Bonoy, mommy Pinty at Gonzaga sisters na sina Toni at Alex kasama ang kanilang mga mister na sina Paul Soriano at Mikee Morada.

Nutcracker theme naman ang peg ng pamilya nina Doug at Cheska Kramer kasama sina Kendra, Scarlette at Gavin.

Very sweet ang family photo nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati kung saan gumawa ng christmas letters ang anak nilang si Zion para sa bawat isa sa kanila.

Isang memorable first family Christmas photo naman para kina Elisse Joson at Mccoy de Leon kasama ang cute nilang anak na si Felize.

Overload naman sa kulit na Christmas family photo ang mag-asawang Iya Villana at Drew Arellano kasama ang kanilang mga anak na sina Leon, Primo, Baby Alana Arellano.

Good vibes photo naman ang ibinahagi ni Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa kanilang social media followers.

At maging si Pasig City Mayor Vico Sotto ay ibinahagi din ang kanyang family Christmas photo kasama ang kanyang ina na si Coney Reyes at ang mga kapatid nito.

SMNI NEWS