NANANAWAGAN sa mga Pilipino ang Philippine Society of Nephrology (PSN), kasama ang Kagawaran ng Kalusugan at ang pamahalaang lungsod ng Cebu na pangalagaan ang kanilang mga bato laban sa tinatawag na Chronic Kidney Disease (CKD).
Ayon kay PSN President Dr. Maaliddin B. Biruar, kailangang magkaroon ng kamalayan ang lahat sa mga kadahilanan ng panganib, palatandaan, sintomas ng sakit sa bato, at magpatingin sa doktor.
Habang ipinagdiriwang ng bansa ang ‘World Kidney Day’ noong Marso 9, ang PSN at iba pang stakeholder’s ay pumirma ng isang kasunduan bilang pagsuporta sa pagpigil sa CKD.
Dagdag pa ni Dr. Biruar, na kadalasan sa sakit sa bato ay walang mga sintomas, lalo na sa maagang CKD.
Sa kasalukuyan, patuloy na tumataas ang CKD at mga Pilipinong nangangailangan ng dialysis.
“Number of cases who undergo dialysis right now is around 40,000. So ganun po kadami yung mga pasyente natin na regularly nagda-dialysis usually 3x a week. Now regarding the cost of treatment, times of real replacement therapy that people dialysis, kidney transplant. Yung cause ng chemodialysis and peritoneal dialysis take you to PhilHealth kasi kino-cover naman nila ito. Although hindi 100% kasi may mga gamot pa rin na kailangang bilhin. So costly po yung pagpapagamot kasi, dahil hindi sapat ang dialysis, may magagamot pa. Syempre yung goal natin among our patients at CKD ay sana di umabot sa point na kailangan mag-dialysis, at kung umabot man yun, sana ay magkaroon sila ng kidney transplant. Yun lang po ang tanging gamot for CKD, kidney transplant. Yung iba, parang isipin natin sila bilang pantawid lamang, papuntang transplant,” ani PSN President Dr. Maaliddin B. Biruar.
Sa pagtukoy sa datos mula sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), isiniwalat ng PSN na isang Pilipino ang nagkakaroon ng talamak na renal failure kada oras, o humigit-kumulang 120 Pilipino kada milyong populasyon bawat taon.
Nabatid na ang mga sakit sa bato, lalo na ang End-Stage Renal Disease (ESRD), ay nasa ika-7 nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Ayon naman kay Department of Health (DOH)-7 Regional Director Jaime Bernadas na pabata nang pabata ang mga taong merong renal diseases, kung noon ay nasa edad 50, ngayon naman ay nasa 30-taong gulang na.
Bago pa man nagsimula ang naturang forum ay nagsagawa ng isang exercise ang mga miyembro ng PSN.
“Meron po kaming zumba tapos meron pong mga lay fora, today lang po yan. Once in a day but we are going to have that again in June because we are going to celebrate Kidney Month. That’s in cooperation with the DOH po, so all the hospitals will be having their event activities,” dagdag ni Dr. Biruar.
Samantala, sa isinagawang lay forum ng PSN sa Cebu ay isang inisyatiba ang inilunsad ng PSN na tinatawag na #stopCKD, isang online na self-awareness test upang malaman ang panganib ng isang tao para sa sakit sa bato.
Sa kabila nito, hindi naman titigil ang PSN na paaalahanan ang mga tao sa kahalagahan ng kidney sa ating kalusugan.