MASTERMIND sa paninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang Central Intelligence Agency (CIA) sa planong pagpapabagsak nito.
Ito ang naging pahayag ni 1st nominee ng Partylist na Abante Sambayanan na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa isang programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan.
Dito tahasang inihayag ni Ka Eric ang intensyon ng Estados Unidos sa likod ng mapanirang pagpapakalat ng FBI ng wanted post kay Pastor Apollo.
Ani Ka Eric, isa lamang ito sa kapamaraanan para tamaan ang administrasyong Duterte dahil sa pagiging matalik na kaibigan nito at bilang spiritual adviser ng Pangulo.
“Sapagkat layunin ng pag-atake nito sayo ay para din pahinain ang inyong friendship at ang inyong pagtutulungan ni Pangulong Duterte at pati na rin sa iyong pagtulong sa transition government na nararapat na magpapatuloy ang mga magagandang naumpisahan ng pamahalaan,” ayon kay Ka Eric.
Dagdag pa ni Ka Eric na na-special operation pa diumano ang butihing Pastor sa CIA dahil sa pagsuporta nito sa Pangulo na baguhin ang bulok na sistema ng bansa na maging sunod-sunuran sa Estados Unidos.
“Kaya tingin namin dito ni Usec Loraine Badoy na-special ops dito sa Pastor Quiboloy eh. Pag sinabing special ops, ito po ay special operations ng Central Intelligence Agency. Huwag na po tayong magpatumpik-tumpik, magpahipokrito dito. Ang kalaban talaga ng CIA dito ay gusto nilang makaupo ang gobyerno na nahahawakan nila sa leeg, nakukumpasan nila at hindi makikipagkaibigan sa China, Russia at sa iba pang bansa kundi sa kanila lang at kaya nilang diktahan. Kaya this is a special political operation na ang susunod na gobyerno ay gobyernong kayang diktahan at maduhan ng CIA kaya ginamit itong iskandalosong mga kaso at mga alegasyong ginawa na laban sayo para pasamain ang inyong imahen, iparalisa ang inyong will to fight, at ang iyong determination to stand by the government. So that ang inyong pagtutulungan na mabuo muli ang gobyerno sa ating bayan nakadugtong at magpapatuloy na mga magagandang nasimulan mga programa, patakaran, at direksyon kagaya ng ginawa ni Pangulong Duterte na tinulungan ninyo ayaw ng Estados Unidos yan na mangyari,” pahayag ni Ka Eric.