“Civil War”, nangunguna na sa takilya; “Godzilla X Kong: The New Empire”, tinalo

“Civil War”, nangunguna na sa takilya; “Godzilla X Kong: The New Empire”, tinalo

UMABOT na ng 25.7 million dollars ang ticket sales sa North America ng 2024 Dystopian Film na “Civil War”.

Batay ito sa data hanggang noong Linggo, Abril 14, 2024.

Tinalo na nito ang “Godzilla X Kong: The New Empire” na nangunguna sa takilya sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang kuwento na pinagbidahan nina Kirsten Dunst, Wagner Moura at Cailee Spaeny ay sentro sa buhay ng mga front-line journalist na nagsasagawa ng coverage hinggil sa pinaka-malaking tunggalian na nangyari sa Estados Unidos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble