“Cleanup Drive” isinagawa ng Keeper’s Club International sa Brgy. Baliki, Midsayap, North Cotabato

“Cleanup Drive” isinagawa ng Keeper’s Club International sa Brgy. Baliki, Midsayap, North Cotabato

NAGLUNSAD ng ”Cleanup Drive” ang Keeper’s Club International katuwang ang paaralan ng Baliki National High School at ilang officials ng Brgy. Baliki, Midsayap North Cotabato.

Kasama ang ilang mga opisyal ng Brgy. Baliki at mga estudyante mula sa Grade 7 hanggang Grade 10 ng Baliki High School kasabay ang kanilang mga guro kung saan sila ay sabay-sabay na nagtulungan sa paglinis ng paligid ng barangay at paaralan.

Ang mga volunteers ay nagtulong-tulong sa pagwalis, pagkuha ng mga plastic, straw, at iba pang mga basura na nakakalat sa paligid; habang ang iba naman ay nag-segregate ng tapunan ng mga basura.

Matagumpay na naihatid ng Keeper’s Club International ang isa sa layunin ng kanilang isinagawang programa na mahikayat ang mga tao lalong-lalo na ang mga kabataan na magkaisa sa kalinisan ng kanilang lugar.

Ibinahagi rin ni Agnes Iclea – Teacher 1 ng Baliki High School ang kabutihang dulot ng programa.

“Malaki ang aming pasasalamat sa Keeper’s Club International dahil sila ay nag conduct ng clean up drive kasi yung mga estudyante namin ay na-encouraged na maglinis sa paligid at na-encouraged din sila na pagkatapos na maglinis, itapon yung kanilang basura sa tamang lalagyan,” ayon kay Agnes C.  Equia – Officer in Charge/Teacher 1 of Baliki High School.

Nagpasalamat din ito kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Founder ng Keeper’s Club International.

“Nagpapasalamat po kami Sir sa iyong inisyatibo na ito dahil ito ay nakatulong sa aming mga bata na maging aware sila na dapat kailangan maglinis sa paligid,” pasasalamat ni Equia.

Ang Keeper’s Club International ay nanghihikayat sa mga kabataan na maging parte ng mga makabuluhang gawain; isa na dito ang aktibidad na pagpapanatili ng kalinisan.

Follow SMNI NEWS in Twitter