KINILALA si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, sa Asia’s Modern Hero Awards.
Nitong Biyernes ng gabi sa Okada Manila, isang parangal na naman ang iginawad sa butihing Pastor.
Sa ginanap na Asia’s Modern Hero Awards 2023, pinarangalan si Pastor Apollo bilang Heroes’ Renowned and Transformative Spiritual Leader.
Ayon kay Dr. Ronnel Ybañez, presidente ng Asia’s Golden Icon Awards & Events Inc., napagdesisyunan ng council na igawad ang parangal kay Pastor Apollo dahil sa natatanging kontribusyon nito sa bayan.
Ang Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name na pinangungunahan ni Pastor Apollo ay nagsimula noong 1985 sa Davao City.
Si Pastor Apollo ang nangunguna sa espiritwal na pangangalaga sa 7 milyon nitong miyembro sa buong mundo.
Sa ngayon ay patuloy na lumalawak ang sakop ng KOJC kung saan naabot nito ang higit sa 200 bansa at 2,000 mga lungsod sa buong mundo.
Bukod dito, kilala rin si Pastor Apollo bilang isang philanthropist, humanitarian, environmentalist at international TV evangelist.
Ang butihing Pastor ay mayroong global multimedia ministry kung saan kabilang sa kaniyang mga pangunahing programa na naghahatid ng kanyang pangangaral sa buong mundo ay ang Sounds of Worship, Powerline, Give Us This Day, Gospel of the Kingdom, Spotlight at SMNI Exclusive.
Ang kaniyng Sonshine Media Network International (SMNI) ay isa na ngayong multi-awarded na media company na itinuturing na pinakapinagkakatiwalaang media sa Pilipinas.
Ipinangako ni Pastor Apollo na ang SMNI ay nakatuon lamang sa nation-building at sa paghahatid ng totoo at walang pinapanigan na balita.
Itinatag din ng butihing Pastor ang iba’t ibang humanitarian organization na nangunguna sa pagtulong sa ating mga kababayan.
Nariyan ang SMNI Foundation na agad rumeresponde at naghahatid ng tulong sa mga kababayan natin na biktima ng sakuna at kalamidad.
Sa pamamagitan naman ng Children’s Joy Foundation Inc, milyun-milyong mga bata sa buong mundo ang pinakain, dinamitan, pinag-aral at binigyan ng maayos na tahanan at pamumuhay ni Pastor Apollo.
Inatasan naman ng butihing Pastor ang Keeper’s Club International na manguna sa pag-akay sa mga kabataan patungo sa tamang landas upang maging kapaki-pakinabang sa pamayanan.
Hindi naman nakakalimutan ni Pastor Apollo ang pangangalaga sa ating kalikasan kung saan kaniyang itinatag ang Sonshine Philippines Movement.
Isa nga sa maipagmamalaking halimbawa ng butihing Pastor na nagawa ng SPM sa kaniyang pangunguna ay ang Glory Mountain na makikita sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tamayong, Davao City.
Dala ng kanyang matibay na adbokasiya para sa kalikasan ay una na ring iginawad kay Pastor Apollo ang outstanding leadership award mula sa Brotherhood of Brave Maharlikan Tigers.
At dahil sa mga napagtagumpayan ni Pastor Apollo sa mga nakalipas na taon at sa kaniyang mga mahahalagang kontribusyon, isa siya sa mga kinilala ng Asia’s Modern Hero Awards.