NAGSAGAWA ng clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa iligal na nakaparadang mga sasakyan sa Mabuhay Lanes Route #1 sa kahabaan ng Panay Avenue sa Quezon City.
Sa loob ng 30 minuto, nakapag-isyu ang MMDA ng 23 tickets para sa illegally parked vehicle habang dalawang sasakyan ang na-tow.
Sa isang pahayag, sinabi ng MMDA na P1,000 ang multa sa attended illegally parked vehicles habang P2,000 naman sa mga unattended illegally parked vehicles habang dadalhin sa impounding area sa Tumana, Marikina ang na-tow na mga sasakyan.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, magsasagawa ang ahensya ng regular clearing operations sa lahat ng Mabuhay Lanes na nagsisilbi bilang alternatibong ruta para sa EDSA.
Sinabi rin ni Artes na target ng MMDA na linisin ang lahat ng kalsada sa Metro Manila sa loob ng tatlong buwan bago ang pagpapalit ng bagong administrasyon.