Cleveland Cavaliers, pinalawig pa ang winning streak matapos ang laban kontra Memphis Grizzlies

Cleveland Cavaliers, pinalawig pa ang winning streak matapos ang laban kontra Memphis Grizzlies

PINALAWIG pa sa pito ang winning streak ng Cleveland Cavaliers matapos ang kanilang laban kontra Memphis Grizzlies.

Sa kanilang game, naging dikitan ang score ng dalawang koponan na nagtapos sa iskor na 129-123.

Nanguna sa panalo ng koponan sina Donovan Mitchell, Ty Jerome at Evan Mobley na may 20 plus points.

Sa ngayon mayroon ng apatnapu’t pitong panalo at sampung talo ang Cavs na nasa top spot ng eastern conference standing.

Sunod nilang makakaharap ang Orlando Magic sa Miyerkules, Feb. 26.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble