MAKAKAKUHA pa ang Pilipinas ng 4.14 million dollars grant mula sa Green Climate Fund (GCF).
Ayon sa Department of Finance (DOF), gagamitin ang pondo para sa climate adaptation and mitigation projects.
Mula rito, sa kabuuan ang total grant ng Pilipinas mula sa GCF ay nasa 139.9 million dollars.
Ang GCF ay isang international fund sa ilalim ng global climate treaty na Paris Agreement ng United Nations Framework Convention on Climate Change.
Binuo ito para suportahan ang low-emission development and climate resilience projects ng ilang bansa gaya ng Pilipinas.