MAGSISIMULA na sa Nobyembre ang tatlong buwan na ‘closed fishing season’ sa hilagang silangang bahagi ng Palawan.
Ibig sabihin, ipagbabawal na ang commercial fishing para mabigyan ng pagkakataon ang mga isda na magparami.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), aasahang dahil dito ay kukulangin ang suplay ng sariwang galunggong at tataas ang presyo.
Nagmumula sa hilagang bahagi ng Palawan kung saan iiral ang ‘closed fishing season’ ang nasa 90 percent na suplay ng galunggong sa bansa.
Magtatagal naman ito hanggang Enero 31, 2025.