HANDA na si Coach Chot Reyes at ang Gilas Pilipinas sa gaganaping tournament sa China.
Ayon kay Coach Reyes, gagawin nila ang kanilang makakaya sa paglalaro upang magkaroon ng creditable performance sa FIBA World Cup.
Dagdag pa niya, nasasabik siyang makasama muli ang koponan.
Plano naman isama muli ni Reyes si Clarkson sa programa para sa huling yugto ng ramp-up ng Gilas sa quadrennial meet na magsisilbi ring qualifying tournament para sa Paris Olympic Games sa susunod na taon.
Samantala, nakatakda ring sumali si Kai Sotto sa pagsasanay ng Gilas ngayong linggo matapos ang naging laro nito sa NBA Summer League sa Las Vegas noong nakaraang buwan.