Jordan Clarkson, balik-bansa para sa FIBA World Cup

Jordan Clarkson, balik-bansa para sa FIBA World Cup

DUMATING na sa bansa ang Filipino-American basketball player na si Jordan Clarkson para sa nalalapit na FIBA World Cup.

Ayon kay Clarkson, umaasa siya na mananalo ang Gilas sa nasabing palaro.

Si Jordan Clarkson ay nakasama sa Gilas noong Asian Games sa Jakarta noong 2018 habang ang huling stint niya ay sa World Cup Asian Qualifiers noong nakaraang taon.

Nakatakda namang dumating ngayong hapon ang Gilas training team mula sa China na nagkamit ng panalo sa pocket tournament laban sa Senegal at Iran sa Heyuan City.

Samantala, makakasama ng Dominician Republic, Angola at Italy ang Gilas Pilipinas sa isang showcase na magsisilbing qualifying tournament para sa Paris Olympics sa susunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble