NAKATAKDANG dumating ngayong araw ang karagdagang tauhan mula sa United States Coast Guard (USCG) kasama ang air assets nito upang tumulong sa nagpapatuloy na cleanup ng malakihang oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon sa pahayag ni Department of Defense Senior Undersecretary Carlito Galves, Jr. na inaabangan nila ang pagdating ng kabuuang US Coast Guard contingent para sa karagdagang technical support sa disaster response operations.
Sinabi rin ni Galvez, isang US C-17 na may equipment na ang dumating sa Subic Airbase noong Linggo ng umaga at isang C-5 cargo jet na pinakamalaking strategic airlifter ng US Air Force ang inaasahang dadating ngayong araw.
Bukod dito, sinabi rin ng PCG na nangako ang firm na Eco Trend International na magbibigay ito ng absorbent pads na makatutulong sa pagsipsip at pagtanggal ng mga langis sa tubig.