COC filing sa 3rd district ng NegOr, magtatagal hanggang sa Sabado

COC filing sa 3rd district ng NegOr, magtatagal hanggang sa Sabado

NAGSIMULA na ang submission ng Certificate of Candidacy (COC) sa ikatlong distrito ng Negros Oriental para sa mangyayaring special elections doon sa Disyembre 9.

Nagsimula ito kahapon Lunes, Nobyembre 6, at magtatagal ito hanggang sa Sabado Nobyembre 11.

Ang pasahan ng COC ay mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) spokesperson Atty. Rex Laudiangco, binigyan ng anim na araw ang mga aspiring candidate para magkaroon sila ng sapat na panahon para sa paghahain ng kandidatura.

Gagawin ang special elections matapos mapatalsik sa Kamara si Teves bilang kongresista sa naturang distrito ng Negros Oriental.

Follow SMNI NEWS on Twitter