SINALUBONG ng batikos mula sa mga magulang at estudyante ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City matapos nitong ianunsyo ang permanente nitong pagsasara sa mismong araw ng unang araw ng pasukan.
Base sa pahayag ng Colegio de San Lorenzo sa mismong Facebook page nito, dahil sa kakulangan ng pera at mababang bilang ng enrollees, napagdesisyunan ng Board of Trustees na isara na ang eskwelahan.
Ayon naman sa kolehiyo, ibabalik nila ang perang ibinayad na ng mga magulang at estudyante na nakapag-enroll na para sa School Year 2022-2023.
Dagdag nito, tutulungan din nito ang mga estudyante na makalipat ng ibang eskwelahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang records at credentials.