Sen. Dela Rosa, kinuwestiyon ang panukalang pagbuo ng Philippine Legislative Police

Sen. Dela Rosa, kinuwestiyon ang panukalang pagbuo ng Philippine Legislative Police

KINUWESTIYON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang panukalang pagtatag ng Philippine Legislative Police o House Bill 3527.

Bagama’t inihain sa 18th Congress ito ay  kabilang kasi sa mga panukalang batas na suportado ng Philippine National Police (PNP) ayon kay PNP Chief Rodolfo Azurin.

Nakasaad sa panukala na responsibilidad ng Philippine Legislative Police (PLP) ang seguridad ng lahat ng miyembro ng Senado at Kamara at siguraduhing hindi mahahadlangan ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

May kapangyarihan din ang PLP na hulihin ang sinumang ipapaaresto ng mga mambabatas na may warrant of arrest at idineklarang contempt.

Kahit ang mga ipina-subpoena ay sisiguraduhin din ng PLP na sila ay makararating.

Pero ayon kay Senador Bato na dating PNP Chief,  ito ay hindi naaayon sa batas.

“I really question the constitutionality of such a measure. Because according to the constitution, there shall only one police force, national in scope, civilian in character sabi ng constitution. Eh ngayon, you are advocating for the creation of another police force that is separate from the Philippine National Police? So we are going against the constitution,” pahayag ni Dela Rosa.

Ipinunto ni Dela Rosa na kapag may iba’t ibang grupo ng police ay magbabanggaan ang kanilang mga polisiya.

Inihalimbawa ni Bato ang bansang Indonesia kung saan mabilis ang koordinasyon ng mga operasyon dahil iisa lamang ang kanilang police force.

“In Indonesia there is only one police force. There is no custom police. This is under the Indonesian National Police. Airport police… under the Indonesian National Police. No more coordination because there is only one police organization,” ani Dela Rosa.

Sinabi rin ni Bato na nililimitahan ng nasabing panukalang batas ang kapangyarihan ng PNP tulad ng nangyari sa Subic, UP Diliman, at iba pang lugar sa bansa.

“Sabi ko nga meron ka pang Subic police, meron ka pang Clark police. Kung pupunta ka dun, ‘yung iba nahihirapang makipag coordinate sa Philippine National Police. So para bang nilimit mo ang jurisdiction mo. The Philippine National Police, your jurisdiction is the Whole Philippine Archipelago, and yet you cannot get inside Subic premises because meron silang police, police doon like UP police. Mayroon na naman silang another police doon. That’s wrong. I think that is constitutionally questionable,” ayon sa senador.

Matapos ihayag ni Senator Bato ang kanyang pananaw sa patungkol  sa pagtatag ng Philippine Legislative Police ay sinabi ni General Azurin na kanila namang rerepasuhin ang panukala.

Follow SMNI News on Twitter