COMELEC, aaksyunan ang mga napag-usapan sa Senate executive hearing

COMELEC, aaksyunan ang mga napag-usapan sa Senate executive hearing

AAKSYUNAN kaagad ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga napag-usapan sa Senate executive hearing nitong Huwebes.

Ito ang inihayag ni COMELEC Commissioner George Garcia sa panayam ng SMNI News.

Bukod pa rito, aminado rin si Garcia na marami silang nalaman at natutunan sa isinagawang pagdinig sa Senado.

“At ipinag-utos ng aming chairman sa Miyerkules po sa amin pong En-banc session, ‘yan po na pinag-usapan namin kahapon ang kauna-unahan naming tatalakayin. At the time, titingnan po namin kung ano po ‘yung mga nasabi,” ayon kay Comm. Garcia.

Bukod pa rito, aalamin din ngayon ng mga bagong commissioner ng COMELEC ang kontrata sa service provider.

Aminado si Garcia na bilang mga bagong miyembro ng COMELEC ay may mga napag-usapan na noon na hindi nila alam.

Sa kabila nito, tiniyak ni Garcia na hindi na-hack ang sistema ng COMELEC para sa eleksyon.

Umaasa rin ang COMELEC na matatapos na sa lalong madaling panahon ang imbestigasyong ginagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa security breach issue.

Follow SMNI NEWS in Twitter