COMELEC, bibisita sa Kalayaan Island para pangasiwaan ang voter registrations

COMELEC, bibisita sa Kalayaan Island para pangasiwaan ang voter registrations

NAKATAKDANG bumisita ang ilang opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) sa Kalayaan Island sa Palawan sa susunod na linggo.

Sa press briefing, sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia, na bibisita sila sa Kalayaan sa Enero 14, 2023.

Bukod sa Kalayaan, plano rin ng komisyon na bumisita sa iba pang remote islands gaya ng Batanes at Tawi-Tawi.

Ito ay para aniya maitaas ang antas ng kaalaman ng publiko kaugnay sa voter registration at himukin ang mga ito na i-avail ang Register Anywhere Program (RAP).

Sinabi ni Garcia na gagamit sila ng eroplano ng Philippine Air Force patungong Kalayaan at mayroon nang koordinasyon sa mga otoridad na tutulong sa kanilang pagbisita.

Nagsimula ang voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Disyembre 12, 2022 at magtatapos sa Enero 31, 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter