COMELEC, handa na vs ‘modern vote-buying’ sa BSKE 2023

COMELEC, handa na vs ‘modern vote-buying’ sa BSKE 2023

HANDA nang tugunan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘modern vote buying’ na tiyak na mangyayari sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sa pagtalakay ng Kamara sa 2024 proposed budget ng komisyon, sinabi ni Chairman George Garcia na katuwang ng COMELEC ang Anti-Money Laundering Council (AMLAC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para dito.

Partikular na tinukoy ni Garcia na posibleng kaso ng modern vote-buying ang pamamahagi ng pera sa pamamagitan ng GCash at PayMaya.

Kaugnay nito, nilinaw ng COMELEC chair na ang isang indibidwal na magpapadala ng halagang 500 hanggang 1,000 piso sa 20 hanggang 200 katao ay maituturing nang sangkot sa vote-buying.

Paliwanag pa ni Garcia, maaari na ngayong maghain ng kaso ng vote-buying ang mismong tanggapan ng COMELEC at hindi na kailangang maghintay ng ibang tao o grupo na maghain ng kaso bago sila makagawa ng aksiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble