COMELEC lumagda ng kasunduan sa PTV; Rappler tuluyan nang isinantabi

COMELEC lumagda ng kasunduan sa PTV; Rappler tuluyan nang isinantabi

PUMIRMA ng kasunduan ang Commission on Elections (COMELEC) at People’s Television Network Incorporated (PTV).

Ayon sa COMELEC, sa ilalim ng Memorandom of Agreement (MOA) ay mas dadami pa ang programa sa telebisyon na makatutulong sa mga botante na gumawa ng matalinong pagboto.

Kasabay rin dito ang isang all media coverage ng PTV para sa mismong araw ng halalan sa May 9.

Samantala, pinuri ng mga netizen ang partnership ng COMELEC sa kapwa government agency nito na PTV.

Una na kasing nagkaroon ng partnership ang COMELEC sa Rappler na kilala bilang least trusted media sa Pilipinas.

Ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa ay isa ring convicted libel criminal sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na kanilang tuluyang isinantabi ang partnership sa Rappler dahil na rin sa inilabas na suspension order ni Commisioner Socorro Inting na dating acting chairman.

Follow SMNI NEWS in Twitter