COMELEC, inaasahan ang mas mataas na turnout sa OAV para sa 2022 elections

COMELEC, inaasahan ang mas mataas na turnout sa OAV para sa 2022 elections

INAASAHAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas mataas na overseas absentee voting (OAV) turnout para sa eleksyon ngayong taong 2022.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, naitala sa 30 porsiyento sa mga Pilipino sa Hong Kong ang nakapagboto na sa unang araw pa lamang ng OAV habang 20 porsiyento naman sa iba pang mga bansa.

Ani Casquejo, mas maraming mga overseas Filipino workers (OFWs) ang nais na bumoto ngayong taon kung ikumpara noong 2019 at 2016 elections.

Base naman sa datos ng COMELEC, mayroong 1,697,215 overseas Filipinos ang nakarehistro para sa 2022 election.

Mula sa numerong ito 786,997 mula sa Middle East at African countries; 450,282 mula sa Asia Pacific; 306,445 mula sa North at Latin America; at 153,491 naman sa Europe.

Follow SMNI News on Twitter