PATE ang Comission on Elections (COMELEC), gagawa na rin ng sariling imbestigasyon laban kay Suspended Bamban Mayor Alice Guo dahil sa alegasyong nagsinungaling ito sa kaniyang citizenship matapos lumutang na pineke ang kaniyang birth certificate at hindi ito tunay na Pilipino.
Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, kapag nakapagfile na ng quo warranto ang Office of the Solicitor General laban kay Guo, indikasyon ito na may issue of eligibility sa kandidatura ni Guo.
Ang petisyon ng OSG ay gagamitin ng comelec, maging ang findings ng NBI at Senado para sa sariling imbestigasyon ng komisyon.
Ayon kay COMELEC Chair Atty. George Garcia, Inatasan na nito ang kanilang law department para sa pagsisimula ng imbestigasyon.
‘’Wewill now start the ball rolling on the investigation upang magsimula na ang pangangalap ng ebidensya. Ano man ang findings ng law dept. namin, sila ay magbibigay ng rekomendasyon sa En Banc, upang ang En Bacn ang pinal na sasabihin kung magfafile ba ng kaso sa korte o hindi,’’ ayon kay Atty. George Garcia Chairman, Comelec.
‘’We will rely heavily on the case of OSG kung sasaka sakali and ofcourse the findings of nbi pero yong pinakamabigat yon findings din ng senate committee na nagiimbestiga patungkol sa bagay na yan,’’ saad nito.
Ayon dito, sa anggulong misrepresentation nakatutok ang COMELEC.
Bahagi kasi ng paghahain ng COC ng isang kandidato ay ang pagdedeklara mo na isa kang Pilipino.
At kapag mapapatunayang nagsinungaling si Guo sa kaniyang citizenship o birth certificate ay maari aniya itong masampahan ng kasong kriminal at diskwalipikasyon.
‘’Number one, pwede siyang madisqualify, pwedeng makansela ang kaniyang candidacy for material representation, number2, meron o wala mang nafile na kaso laban sa kaniya for cancellation of candidacy, pwede po siyang makasuhan ng kasong kriminal. Yan po ay misrepresentation under Section 2621 ng Omnibus Election Code and therefore 3-6 years imprisonment din yan. Sympre, iba pa po yong liability ng isang personalidad na nag-viviolate ng ating Omnibus Election Code kasi po merong pagsisinungaling therefore merong perjury kasi pinanumpaan po yon o kayay mayroob pong falsification. Magkaiba pa pong kaso yon,’’ dagdag nito.
Sa findings ng NBI, lumalabas na isa ngang Chinese national si Alice Guo matapos magmatch ang fingerprint ni Alice Guo sa Chinese National na si Guo Hua Ping.
Ang COMELEC, pormal na hihingi sa NBI ng permiso para magamit ang resulta ng fingerprint examination nito laban kay Guo.
Ito ay maaari nilang ikumpara sa mga signature sample ni Alice Guo sa isinumite nitong voter registration at COC nito noong taong 2021.
‘’Kasi kung ma co-confirm ang fingerprint na nasa amin, yong fingerprint ng Alice Guo na nasa amin, at Alice Guo na nasa kanilaso iisa yon. And therefore kung ang fingerprint ng Gou Hua Ping ng NBI at ng samin ay iisa rin, so kayo na ang gagawa ng konlkusyon sa bagay na yan,’’ ayon nito.
Sinabi naman ng COMELEC na sakali mang humantong sila sa pagkakaso kay Guo yan ay para magbigay babala sa mga kandidato na gagawa ng kalokohan sa kanilang COC para sa paparating na halalan.
‘’Kung sakali po kasi, na mapapatunayan na meron talagang evidence na mabigat na pwedeng magsurvice sa court then gusto rin nating magturo ng lesson sa mga magfafile ng COC ngayong Oktubre, na hindi po kayo basta basta nagfifill up ng iyong certificate o candidacy. Maliban sa obligasyon niyo sa sambayanang Pilipino, sa inyong constituency na maging makatotohan, maging matapat, dapat niyo maunawaan na yan po ay inyong pinapanumpaan at dahil po diyan may kaakibat po na responsibilidad na kahit na nga walang ni re-require na attachment na mga dokumento,’’ ayon kay Atty. George Garcia.