COMELEC, tuloy ang pag-iimprenta ng 91-M na balota para sa Brgy. at SK Elections, kahit nakaamba ang pagpapaliban dito

COMELEC, tuloy ang pag-iimprenta ng 91-M na balota para sa Brgy. at SK Elections, kahit nakaamba ang pagpapaliban dito

KASADO na ang pag-imprenta ng higit siyamnapu’t isang milyong balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kasunod ng MOA signing ng Comission on Elections (COMELEC) at National Printing Office (NPO).

Ito’y kahit hindi pa pinal kung matutuloy o hindi ang nasabing eleksyon ngayong December 5.

Paliwanag ng COMELEC na dahil wala pang batas na nagsasabi na hindi isasagawa ang BSK Elections, tuloy ang pag-imprenta ng mga balota.

“As far as the COMELEC is concern, kung ano man po ang mga balita, ano man po ang mga pangyayari lalo na yung mga development patungkol sa mga panukalang batas na nagpapaliban ng Barangay SK Election, muli, amin pong inuulit hangga’t walang batas na nagsasabi na huminto kami, walang batas na nagsasabing reset, postpone ang Brgy. Election magtutuloy-tuloy po ang COMELEC sa lahat ng ginagawa nila,” ani  Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.

Pagtitiyak naman ng COMELEC na ligtas at magagamit pa rin ang mga nasabing balota kung sakaling hindi mapostpone ang eleksyon.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa NPO na kung maaaring nasa NPO na lamang ang warehousing.

“Kaysa ilalabas namin hindi makontrol ang temperature, hindi pa sigurado yung quality ng balota after,  for example,  the resetting, atleast po dito sigurado po kami ang NPO under Rederick Charlie Batan will always safety the ballot,” ani  Atty. Garcia.

Patuloy ring tatanggap ng certificate of candidacy ang COMELEC para sa nasabing eleksyon.

Isa sa mga babantayan anila sa filing of COC ay ang para sa Sangguniang Kabataan Elections mula sa mga indibidwal na over-aged o lagpas na sa age requirement.

Aminado ang COMELEC na maraming kaso ang kanilang natanggap na may kinalaman sa age requirement ang hindi pa nareresolba dahil sa sobrang dami.

Batay sa kanilang datos, umabot ito sa higit anim na libong kaso na nagmula pa sa mga nakaraang SK Elections.

Kaya pagtitiyak ng COMELEC na wala nang makakalusot ngayon gamit ang kanilang bagong database at guidelines.

“Automatically meron po kaming database, yung election officer namin nag file ng kanyang kandidatura, automatically makokompyut agad using the database kung yung kandidato na yan o nag file ng candidacy ay 24 years of age in the day of election. Hindi po in the day of filing, kundi po in the day of election. Kunwari po, nag file sya ng candidacy, October 23 ang ating election ay December 5, pagkatapos pag tingin palang kaagad, December 4 palang pala 24 years in one day na sya, automatically po nasa rules namin ngayon. We will not accept the certificate of candidacy. Hindi na po yung dating ginagawa natin that the COMELEC the duty is to accept, to receive pag ka ganun po kasi magkakasuhan. Alam nyo po ba ang sinapit namin nung nakaraang  Barangay SK election, apat na libo ang kaso na ang over age, i-determine kaagad, 24 years and one day ka, sumobra ka na sa age. So, bakit pa namin papahirapan ang sarili namin na tatangap pa kami ng mga petition to disqualify baka manalo pa, pag nananalo nag o-over age lalo yung mismong nanalong SK. So, automatically, makikita kaagad pati nga po yung address kung yun residente o hindi dahil nandun bakit pa namin pababayaan na may mag file ng mga disqualification patungkol sa mga bagay na yun. Samantalang, pwedi na makita namin mismo dahil nasa amin ang listahan so yan po ang isa sa innovations din ng gagawin ng COMELEC. We can now refuse to accept the certificate of candidacy for those even from these two factors only are not qualified most especially yung over age po na mga kandidato,” pahayag ni Atty. George Garcia.

Sa ngayon, dahil ratified na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report sa pagpapaliban sa BSK Elections, isusumite na ito na sa lamesa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para malagdaan at tuluyang maging ganap na batas.

Sa panahon na ito ay maging ganap na batas, isasagawa na sa huling Lunes ng October 2023 ang halalan mula sa orihinal na proposal na ikalawang Lunes ng December 2023.

 

Follow SMNI News on Twitter