LALAGDA ang Commission on Elections (COMELEC) ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Robinsons Land Corporation upang magtayo ng satellite voter registration booths sa ilang piling Robinsons malls sa buong bansa.
Ito ang sinabi ng COMELEC sa MOA signing ceremony at nakatakdang isagawa sa Hulyo 12.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, layon nilang mabigyan ang publiko ng madali at epektibong karanasan sa pagrerehistro at maglaan ng alternatibong Satellite Registration Sites sa pamamagitan ng pagbubukas ng registration booths sa mga mall.
Ang voter registration booths ay ilalagay sa mga Robinsons Mall sa Metro Manila, Central Luzon, South Luzon, Central Visayas, Western Visayas, Eastern Visayas at Mindanao.
Ayon kay Jimenez, sa oras na matukoy na ang magiging lokasyon ng mga mall at maisa-pinal na ang mga iskedyul, makakapagpasa na ang mga nais magparehistro sa ng forms at documentary requirements at kunin ang mga biometrics data nito sa mga satellite registration booths.
Sinabi rin ng COMELEC na ang registration sites ay tatanggap lamang ng limitadong bilang ng mga aplikante dahil sa may oras din ang mga mall.