COMELEC, nanawagan sa mga bagong botante para magparehistro

COMELEC, nanawagan sa mga bagong botante para magparehistro

NANAWAGAN ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga bagong botante para magparehistro.

Umarangkada at umusad na ang pagpapatuloy ng voter registration na magtatapos sa Hulyo 23.

Sinabi ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ang pagpaparehistro ay mula Lunes-Sabado, 8 am-5 pm.

Target sa muling pagbubukas ng voter registration ang mga bagong botante para sa Sangguniang Kabataan o mga edad 15-17, pati na rin ang mga magbi-birthday bago sumapit ang eleksyon sa Disyembre 5.

Pwede rin magparehistro ang mga malapit nang mag-18 years old bago ang Disyembre 5 para naman sa regular na barangay election.

Kaugnay nito ay nananawagan ang COMELEC sa mga kabataang pasok sa naturang age bracket na magparehistro na para sila ay makaboto.

Follow SMNI NEWS in Twitter