INIHAHANDA na ng Commission on Elections (COMELEC) ang Automated Counting Machine (ACM) maging ang mga test ballots na gagamitin para sa isasagawang mock election ngayong araw sa Makati High School kung saan isandaang rehistradong botante ang makikilahok.
Maliban sa Makati, isasagawa rin ang mock elections sa iba’t ibang lugar sa bansa.