COMELEC, posibleng ibibigay muli ang voter’s ID

COMELEC, posibleng ibibigay muli ang voter’s ID

IKINOKONSIDERA ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbibigay muli ng voter’s ID.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, posibleng inisyal na ibigay ang voter’s ID sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.

Sinabi ng COMELEC Chairman na marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi pa nakuha ang kanilang national ID kung kaya’t bilang isa sa valid IDs ay magbibigay muli ang komisyon nito.

Noong Disyembre 2017, sinuspinde ng komisyon ang pamamahagi ng voter’s ID dahil maglalabas na ang pamahalaan ng national ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble