COMELEC registration, posibleng gagawin na sa mga private at government offices

COMELEC registration, posibleng gagawin na sa mga private at government offices

POSIBLENG isagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagrerehistro ng mga botante sa mga private at government offices.

Ito ang sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia para mas marami pang Pilipino ang makapagparehistro para sa susunod na halalan partikular na sa Brgy at SK Elections (BSKE) na ipinagpaliban na sa susunod na taon.

Sa ilalim ng tinawag na ‘Registration Anywhere’ system ng ahensya, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kumpanya na makapagrehistro ang kanilang mga empleyado.

Bukod sa mga private offices at government agencies, posible ring gagawin ang naturang pagrerehistro sa mga mall sa buong bansa.

Samantala, sa susunod na buwan ng Nobyembre naman magsisimula ang pagrerehistro ng COMELEC na magtatapos sa Mayo 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter