COMELEC, sisimulan na ang pagpapadala ng VCMs at ballot boxes sa buong bansa mamayang hatinggabi

COMELEC, sisimulan na ang pagpapadala ng VCMs at ballot boxes sa buong bansa mamayang hatinggabi

SISIMULAN na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapadala ng mga vote counting machines (VCMs) at iba pang automated election system (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula mamayang hatinggabi.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na national and local elections sa May 9.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ipapadala ang mga AES supplies gaya ng VCMS at ballot boxes sa transportation warehouses na tinukoy bilang transit points.

Magpapatuloy aniya ang delivery sa transportation warehouses sa unang dalawang linggo ng Abril.

Sinabi ni Jimenez na iniimbitahan ni COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political parties, stakeholders, at media na saksihan ang pagsasara ng mga trucks na magde-deliver sa mga AES supplies.

Follow SMNI NEWS in Twitter