MAGPAPATULOY na muli ang commercial flights sa pagitan ng Panama at Venezuela.
Halos isang taon din itong natigil nang maputol ang kanilang ugnayang diplomatiko ayon sa Civil Aviation Authority ng panama nitong Huwebes, Mayo 22, 2025.
Inalis ng Venezuela ang kanilang diplomatikong kinatawan mula sa Panama noong Hulyo 2024.
Ito’y matapos tumanggi si Panama President Jose Raul Mulino na kilalanin ang muling pagkakahalal ni Venezuela President Nicolas Maduro.