MAHALAGA ang House Committee on Nuclear Energy Goal para matutukan ang enerhiya upang hindi na maging alipin ng kuryente ang mga Pilipino.
Ito ang inihayag ng chairman ng komite na si Pangasinan 2nd District Representative Mark Cojuangco sa panayam ng SMNI News.
Ayon kay Cong. Cojuangco, mangyayari lamang ito kung magkakaroon ng mura at sapat na suplay ng kuryente sa bansa.
Aniya, ang nuclear power ay may kakayanan upang magbigay ng mura, malinis at maaasahang suplay ng kuryente na hindi nakadepende sa panahon.
Dagdag pa ni Cojuangco, kailangan ng isang fleet ng nuclear power plant sa bansa upang magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente ang bansa.
Aminado naman si Cojuangco na hindi ito magagawa sa maiksing panahon kaya dapat itong umpisahan na ngayon.
Saad pa ni Cong. Cojuangco, darating din ang panahon na mararamdaman na ng mga Pilipino ang murang kuryente.
Samantala, balak ngayon ng komite na talakayin, pag-aralan at amyendahan ang EPIRA Law kung saan nagbabawal sa gobyerno na pumasok sa anumang klaseng generating capacity.