PARA sa patuloy na pagpapalawak ng National Greening Program dito sa Metro Manila, nagtayo ang DENR Metropolitan Environmental Office (MEO) – South ng mga Community PanTREE sa Brgy. Post Proper Side, Brgy. South Signal Village, Brgy. Upper Bicutan, at Brgy. Hagonoy.
Sa pakikipagtulungan sa Conservation and Development Division – Production Forest Management Section, ipinamahagi ng MEO-South ang limang daang (500) punla ng pechay, kangkong, okra, sili, at mustasa sa Brgy. Post Proper Side.
Para sa Brgy. South Signal Village at Upper Bicutan, tinatayang 1,600 seedlings ng sili, talong, Chinese kangkong, mustard, at pechay ang ibinigay sa mga residente. Para sa Brgy. Hagonoy, humigit kumulang 1,700 na punla ng talong, okra, mustasa, kangkong, ampalaya, petchay, at kalabasa ang tinanggap ng komunidad.
Kasabay nito, nagkaroon din ng talakayan patungkol sa RA 9003 o mas kilala sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na tumatalakay sa kahalagahan ng tamang paghihiwalay at pagtapon ng mga basura upang maibsan ang plastic at waste pollution sa siyudad.
Layunin ng Community PanTREE na mapalakas pa ang greening efforts ng DENR National Capital Region sa Metro Manila sa tulong ng mga komunidad. Hindi lamang mapapabuti ang kapaligiran, kung hindi makapagbibigay pa ito sa publiko ng mga benepisyo sa pagkakaroon ng kanilang mga urban garden sa kanilang tahanan kung saan dito nila maaaring mapalaki ang mga tanim na halaman.
Patuloy na lumalapit ang DENR MEO-South sa mga barangay upang maitaas ang kamalayan at palawakin ang kaalaman patungkol sa konserbasyon at proteksyon ng kapaligiran at likas yaman sa rehiyon.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Philippines Facebook Page.