Concert tours ni Shawn Mendes, kanselado

Concert tours ni Shawn Mendes, kanselado

KANSELADO ang concert tour ng Canadian singer na si Shawn Mendes matapos inanunsyo nito na nagkaroon siya ng mental health issues.

Saklaw ng naturang suspensyon ay ang nakatakda sana nitong pagbisita sa North America, United Kingdom at Europe.

Advise na rin aniya ito ng kanyang mga doktor para matutukan ang kanyang kalusugan at wala pang tiyak na impormasyon kung matutuloy pa ba ang mga suspendidong concert schedules.

Inihayag naman ni Mendes na hindi ito senyales na hihinto na siya sa paggawa at pagre-release ng musika at hangad pa rin aniya na makita ang kanyang fans sa pamamagitan ng concert tours.

Unang sumikat si Mendes sa kanta nitong “Stitches” noong 2015.

Follow SMNI NEWS in Twitter