Concession agreements ng Maynilad at Manila Water, pinalawig hanggang 2047

Concession agreements ng Maynilad at Manila Water, pinalawig hanggang 2047

PINALAWIG na ang kontrata ng dalawang pangunahing water service providers sa Metro Manila—ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc.

Ito ay matapos aprubahan ng Economy and Development (ED) Council ang 10-year extension ng water concession agreements ng dalawang kumpanya.

Sa inaugural meeting ng ED Council nitong Hunyo 18, inaprubahan ang kahilingan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ipagpatuloy ang kontrata ng dalawang kumpanya mula Hulyo 31, 2037 hanggang Enero 21, 2047.

Layon ng hakbang na matiyak ang tuloy-tuloy na akses sa ligtas, maaasahan, at abot-kayang suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit-probinsiya.

Inaprubahan din sa pulong ang dalawang pangunahing infrastructure projects: ang ₱27.7-bilyong Farm-to-Market Bridges Development Program at ang ₱5.1-bilyong Liloan Bridge Construction Project sa Southern Leyte.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble