LUMITAW sa pinakabagong RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” independent, non-commissioned survey na si House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos ay may pinakamataas na performance rating sa lahat ng 126 “neophytes” congressmen.
Nakuha ni Sandro ng Ilocos sur, District 1 ang kahanga-hangang 95.8% performance score.
Sa performance evaluation, pumapangalawa naman si Jolo Revilla ng Cavite na may 91.7% na sinundan ni Edu Rama ng Cebu na may score na 91.5%.
Statistically-tied naman sa ikatlong puwesto sina Representatives Amben Amante ng Laguna (89.4%), Marvin Rillo ng Q.C. (88.7%), Emeng Pascual ng Nueva Ecija (88.6%), Rhea Gullas ng Cebu (88.6%), Marivic Co -Pilar ng Q.C. (88.5%), Jeff Khonghun ng Zambales (88.5%), at Lordan Suan ng Cagayan de Oro (88.4%). Nakatanggap ang mga pulitikong ito ng “significant scores” para sa kanilang job performance bilang mga mambabatas.
Si Ando Oaminal (Misamis Oriental) 88.1%, Migz Villafuerte (Camarines Sur) 87.7%, Midy Cua ng (Quezon) 87.6%, at Aniela Tolentino (Cavite) na 87.4% ay “statistically equivalent” sa ika-apat na puwesto samantalang sina Franz Pumaren (Quezon City) 86.6%, Dean Asistio (Caloocan) 86.4%, Cynthia Chan (Lapu-Lapu) 86.4%, PM Vargas (Quezon City) 86.2%, Ian Amatong (ZaNorte) 86.1% , at Marie Escudero (Sorsogon) 85.8% ay tumabla rin para sa ikalimang puwesto.
Ang Top District Representative-Philippines “Neophytes” at Top Party-list Representatives-Philippines ay bahagi ng “Boses ng Bayan” national survey na nag-evaluate sa performance ng mga opisyal ng gobyerno.
Ginawa ito sa pamamagitan ng personal na panayam sa 10,000 adult na respondent, at may sampling error margin na +/-1%.