Cong. Teves na ipadedeklara bilang terorista, madadagdagan ng 5 pa

Cong. Teves na ipadedeklara bilang terorista, madadagdagan ng 5 pa

NAIS ng Department of Justice (DOJ) na maituring na terorista ang nasa 3 hanggang 5 tao na nakikipagtrabaho kay suspended Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, Jr.

Kabilang na aniya dito si Marvin Miranda na nauna nang inakusahan bilang isa sa mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na magpupulong na ang DOJ at ang Anti-Terror Council, para maipadeklara bilang terorista si Teves Jr. at ang mga sinasabi ni Remulla na naging bahagi ng umano’y terror organization ng kongresista.

Iginiit ni Remulla na ang kaniyang binanggit na mga tao ay nagkaroon ng mahalagang partisipasyon sa pagpatay kay Governor Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter