Consular Mission ng Embahada ng Pilipinas sa Sabah, nagpapatuloy

Consular Mission ng Embahada ng Pilipinas sa Sabah, nagpapatuloy

IPINAGPATULOY ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang pagsasagawa ng Special Consular Mission na matatandaang isinagawa noong Hunyo 5-9 sa mga plantasyon ng palm oil sa Tawau, Sabah.

Ang nasabing misyon ng konsulado ay isinagawa bilang tugon sa pangangailangan ng mga undocumented Filipino worker at kanilang dependent upang maging regular ang employment status ng mga ito.

Nakipagtulungan din ang iba pang ahensya tulad ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagbibigay ng certificates of live birth (COLB) sa mga Pilipinong ipinanganak sa Pilipinas.

Habang ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at ang Office of the Social Welfare Attaché naman ay nakilahok sa Special Consular Mission sa Tawau.

Nagsagawa ng masinsinang pag-uusap ang POLO sa pamunuan at ang mga palm oil plantations worker para sa verification ng employment contacts at pagsusulong ng POLO-OWWA program sa mga Filipino workers.

Samantala, ang Office of the Social Welfare Attache ay namahagi ng mga pagkain para sa mga manggagawa at pamilya ng mga ito. Bukod pa rito, bumisita rin ang ahensya sa Humana School, ang paaralan kung saan nag-aaral ang mga anak ng migranteng manggagawa na nagtatrabaho sa plantasyon.

Samantala, ngayong araw ay nagsasagawa ng Consular Outreach Mission ang embahada sa Kota Kinabalu, Sabah hanggang Hunyo 24.

Follow SMNI NEWS in Twitter