Mga ospital sa Saudi Arabia, nangangailangan ng daan-daang Thai nurses

Mga ospital sa Saudi Arabia, nangangailangan ng daan-daang Thai nurses

NANGANGAILANGAN ang Labor Ministry ng Thailand ng 400 Thai nurse na kinakailangan sa Saudi Arabia.

Inihayag ni Labor Minister Suchart Chomklin na ang Department of Employment ay nagrerecruit na para sa King Fahad Medical City Facility sa Saudi Arabia.

Bilang karagdagan, naghahanap na rin ang Bright Medical Company ng mga nurse para magkaroon ng 2 taong kontrata kung saan nakahanda na ang flight tickets, housing, transport at health insurance nito.

Ang mga aplikante ay maaaring mag-aplay sa ministry mula Biyernes hanggang Hulyo 4.

Samantala, mayroon ring bakanteng posisyon para sa mga manager kung saan posibleng sumahod ang mga ito ng 74-K hanggang higit 100-K baht kada buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter